2016 Preliminary 菲律賓文初選
📜 Taiwan , Pangalawa Kong Tirahan
👤 Norita De Vera Rosales
Taiwan, o bansang Taiwan
Kung titignan ka sa mapa, ikaw ay ga-tuldok lamang
Ga-tuldok, sa aking mundong ginagalawan
Hugis mo ay isang dahon, dahong luntian
Marami sa amin, ikaw ay pangarap lamang
Ngunit narating kita, na di ko namalayan
Labin-tatlong taon(13),ngayon ang nakararaan
Hanggang ngayon nga,patuloy na nakiki pag-sapalaran
Mga unang taon ko dito, talaga namang pahirapan
Ang daming pagsubok, na dapat malagpasan
Taon-taon hinahasa ang aking kaalaman
Dapat lumaban, magtiis para sa mga taong mahal
Mga lahing Intsik, lenggwahe ay kakaiba
Pabaligtad ang pagsulat, pati na pag-babasa
Ibat-Ibang pagkain, na hindi rin naman iba
Pero hahanapin parin, Pinoy na panlasa
Sa bawat araw, na nag dadaan sa tuwina
Laging Panalangin sa Dios ,AMA bahala ka na!
Buhay namin at pananalig, sa iyo nakaasa
Na malagpasan buhay Taiwan , abutin man dekada
Ibat-ibang lahi na rin, ang aking pinagsilbihan
Intsik,Frances,Aleman,at Amerikano kung turan
Mga lahing kinasangkapan ng Dios , na sila ay paglingkuran
Ng magandang buhay ay maibigay,para sa mga taong mahal.
Ngayon nga ay aking ibinabalik,ang mga biyayang nakakamtan
Mula sa Panginoon,tungo sa mga mahal at kapwa kaibigan
Mga biyayang nararanasan,na akin din namang pinaghirapan
Sa mga nagdaang taon ko ,dito sa bansang Taiwan
Kaya naman Ako, Ikaw,Tayong lahat,mga OFW kung turingan
Saang bansa ka man ngayon ,at nakikipagsapalaran
Gawin natin ang tama, at trabaho ay pagbutihan
Tulad ko rin dito sa Taiwan, ang aking Pangalawang tirahan
📜 台灣,我第二個家
👤 Norita De Vera Rosales
台灣,台灣這個國家,
如果看看地圖,不過是個渺小的點,
你這渺小的一個點,佔據了我所有世界,
你就像一片樹葉,展現綠意盎然的生機。
我們這些人,曾把你,當作遙不可及的夢想,
但是,我們卻來了,毫無根據地來到此地,
不知不覺,已過了十三年,
一直到現在,仍不斷為生活奮鬥。
我在這裡的第一年,真的非常難熬,
許許多多的困難,須要一一排除艱辛,
日子年復一年,打擊我的信念,
但必須堅強,為了我所愛的人。
中國,語言眾多,
文字與我們相反,話語也與我們不同,
食物的種類尤其繁多,
不過,總是在舌尖上,尋找家鄉的味道。
日復一日,年復一年,
我始終向上帝祈禱:「一切靠祢了上帝!」,
我們的存在,完全依賴信仰著祢,
苦熬幾十年 ,如今辛苦在台生活。
我服務過不同種族,
中國、法國、德國和美國,
神藉由這些國家,讓我有機會服務大眾,
幫助改善一切生活,也讓我所愛得到愛。
這幾年待在台灣,
歷經所有艱難與付出,
而現在,我有機會回饋給身邊的人,
從上天,到親愛的家人、朋友和同事。
所以,你、我、所有的人,如果你是一位海外菲律賓工人,
無論在哪一個國家奮鬥、賺錢養家,
我們都應該正向思考,以努力工作為優先,
我在台灣,台灣是我的第二個家。