Tula

Gretchen De Guzman Lucas / Tula / SPA(Serve The People Association / dayuhang manggagawa  BUHAY OFW:ISANG SAKRIPISYO,KAISA AKO ISANG KATAKOT TAKOT AT DI BIRONG DESISYON YAN ANG UNANG HINARAP NA HAMON ANG MAKIPAGSAPALARAN SA IBANG NASYON UPANG HANAPIN ANG KAPALARAN AT PAG-ASANG NAROON KALAKIP NG BAWAT DAING AT PANALANGIN NA SANA’Y LAGING LIGTAS AT PAGPALAIN SA IBANG BANSANG … Continue reading “Tula”

Gretchen De Guzman Lucas / Tula / SPA(Serve The People Association / dayuhang manggagawa 

BUHAY OFW:ISANG SAKRIPISYO,KAISA AKO

ISANG KATAKOT TAKOT AT DI BIRONG DESISYON
YAN ANG UNANG HINARAP NA HAMON
ANG MAKIPAGSAPALARAN SA IBANG NASYON
UPANG HANAPIN ANG KAPALARAN AT PAG-ASANG NAROON

KALAKIP NG BAWAT DAING AT PANALANGIN
NA SANA’Y LAGING LIGTAS AT PAGPALAIN
SA IBANG BANSANG PATUTUNGUHA’T TATAHAKIN
MALAYONG MALAYO SA BANSANG KINAGISNAN NATIN

NGUNIT BUHAY NG OFW AY TUNAY NA SAKRIPISYO
KAYOD DOON,KAYOD DITO
SUSUUNGIN KAHIT NA ANO
PAGKA’T SA ISIP PAMILYANG NAIWAN ANG NAGSUSUMAMO

KAISA AKO BAWAT OFW NA WALANG IBANG NAIS KUNDI PAG-UNLAD
HANDANG MAGTIIS AT MAGSAKRIPISYO NG WALANG KATULAD
KARANGALAN SA AMING PAGKATAO’Y WALANG KATUMBAS NA BAYAD
WALANG SAWANG IPAGMAMALAKI’T ILALAHAD

KAISA AKO SA BAWAT OFW AKING KAPWA TAO
NA KONG ITURING AY “MAKABAGONG BAYANING FILIPINO”
ISANG NAPAKALAKING KARANGALAN KAISA AKO
BAYANING TAAS NOO KAHIT KANINO.

 

Ang Kwento ng isang Migrante na naging Imigrante

Wang-Ma, Xue-Li / Ang Kwento ng isang Migrante na naging Imigrante / SPA-Shelter Mr. Wang / dayuhang asawa Ang Kwento ng isang Migrante na naging Imigrante Ipinagmamalaki ko na ako’y naging isang Migrante. Ang buhay naming mga Migrante ay puno ng istorya, may masaya, may malungkot, may dumadanas ng paghihirap sa kamay ng mga amo nila, may tinatawag … Continue reading “Ang Kwento ng isang Migrante na naging Imigrante”

Wang-Ma, Xue-Li / Ang Kwento ng isang Migrante na naging Imigrante / SPA-Shelter Mr. Wang / dayuhang asawa

Ang Kwento ng isang Migrante na naging Imigrante

Ipinagmamalaki ko na ako’y naging isang Migrante.
Ang buhay naming mga Migrante ay puno ng istorya, may masaya, may malungkot, may dumadanas ng paghihirap sa kamay ng mga amo nila, may tinatawag na walang kalayaan at paghihinagpis dahil kailangan mong mangibang bayan para lang mabigyan mo ng magandang kinabusan ang pamilya mong naiwan. Bilang isang Mgirante ay responsibilidad natin na maging alerto hindi lang sa ating mga responsibilidad sa trabaho kundi pati narin sa mga karapatan natin. Bilang isang Migrante dapat nating alamin ang mga karapatan natin sa bayang pinanggalingan at bansang paroroonan tulad ng sa Taiwan dapat nating alamin kung ano ano bang mga karapatan natin sa Taiwan. Huwag lang tayong manaliting mangmang sa mga bagay bagay na dapat ay alam natin at naiintindihan. Tayong mga Migrante ay hindi lamang iniisip ang kapakanan ng ating pamilya kundi ng lahat ng mga manggagawang Filipino na nasa Taiwan.

Minsan ko ng naranasan ang walang kalayaan, bawal kang mag Day-Off dahil sasabihin sayo na makakakilala ka ng mga salbahe, ang kailangan mo lang gawin ay ang magtrabaho ng magtrabaho paano ka magiging produktibong manggagawa kung pati ang sarili mong kalayaan ay ipagkakait sayo? May mga bagay na dapat ay hindi manatiling ganon na lang kundi kailangang mabago. Sa paanong paraan? Mananatili ka nalang bang tahimik sa isang tabi at hindi ipaglalaban ang iyong mga karapatan? Isatinig mo ang iyong boses! Kahit na ikaw ay isang dayuhang manggagawa lamang, iparating mo sa kinauukolan na ikaw rin ay nangangailangan ng atensyon at proteksyon bilang isang taong may dignidad at hindi bilang isang alipin ng pagkakataon.

Huwag sana kayong manatiling bulag sa mga hinaing naming mga dayuhang manggagawa kami rin ay may puso rin katulad nyo rin kaming nagugutom, katulad nyo rin kaming may pandama, katulad nyo rin kami na nasasaktan sa tuwing naaapakan ang dignidad at katulad nyo rin kaming may pamilya na nangangailangan ng kalinga namin pero nandito kami sa bansa nyo na pinagsisilbihan ang mga mamamayan nyo. Kami ay tao rin. Nangangailangan ng tunay na serbisyo at tunay na proteksyon.

Ang munting pangarap ng isang Migrante ay makita pa ang kagandahan ng Inang Bayan, makapiling ang pamilya mong nawalay sayo ng pagkatagal-tagal at Minimithi natin ay, isang lipunang walang nang magkakahiwalay para lamang mabuhay.

Ang kwento ng magiging Migrante ko ay konektabo sa buhay ko na ngayon sa Taiwan. Sa apat na taong naging dayuhang manggagawa ako ay nakita ko ang unti-unting pagbabago ng paligid ko sa Taiwan dito na ang buhay ko bilang isang imigrante. May kanya kanyang ipinaglalaban ang Migrante at Imigrante sa Taiwan pero parehong may mithiin na gustong makamit at mabago ang kasalukuyang sistema.

Kung noon ay wala akong katuwang ngayon ay meron na. Nagagalak ang puso ko dahil nakatagpo ako ng lalaking mamahalin at makakatuwang ko sa mga pinaglalaban ko. Nagagalak ako dahil sya rin ay may puso para sa mga Migrante at Imigranteng sektor. Para sa akin ay ang ganitong mga tagpo ay napakaespesyal dahil hindi lahat ng mga lalaki ay mauunawaan ka sa mga ipinaglalaban mo. Kaming mag asawa ay pantay-pantay ang tingin namin sa isa’t-isa hindi dahil sya ay lalaki dapat ay sya na ang masusunod, kami ay may respeto sa bawat isa. Ang asawa ko ay hindi ko lamang basta asawa sa papel kundi sya ay itinuturing kong matalik na kaibigan at kasama(Comrade). Ang buhay naming mag-asawa ay nagsisimula pa lamang madami pa kaming mga pagsubok na dadaanan na dalawa sa hirap man o sa ginhawa.

Natutuwa ako at may mga ganitong paanyaya at kompetisyon kung saan ay magagamit mo ang sarili mong lengguahe sa pagsulat. Napagtutuunan na ng pansin ang sariling lengguahe ng bawat dayuhang manggagawa at dayuhang asawa sa Taiwan. Ang sarili nating Wika ay dapat na hindi natin kalimutan kahit na tayo ay mga asawa na sa bansang Taiwan. Pagyamanin pa natin ang sariling kultura para sa mga susunod na henerasyon natin sa bansang Taiwan. Huwang nating hayaan na manatiling alaala na lamang ito. Isa ang kultura sa pagkakakilanlan nating mga Filipino kaya huwag nating hayaan na ito ay basta na nalang mawala at hindi man lang ito nakita o mararanasan ng mga susunod na henerasyon.

Ito ay isang kwento ng dating dayuhang manggagawa na naging dayuhang asawa sa Taiwan.

Hindi Kami Makina

Gabriela / Hindi Kami Makina / SPA-Shelter Mr. Wang / dayuhang manggagawa Hindi Kami Makina Kami ay mga Caretaker, pero hintay, mayroon pa. Kaya pakiusap, pakinggan nyo ang mga daing namin bago nyo kami pagsarhan ng pinto. Hindi kami perpekto, pero ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya. Gusto lang namin maghinga ng mga saloobin namin. Kailan mo … Continue reading “Hindi Kami Makina”

Gabriela / Hindi Kami Makina / SPA-Shelter Mr. Wang / dayuhang manggagawa

Hindi Kami Makina Kami ay mga Caretaker, pero hintay, mayroon pa. Kaya pakiusap, pakinggan nyo ang mga daing namin bago nyo kami pagsarhan ng pinto. Hindi kami perpekto, pero ginagawa namin ang lahat ng aming makakaya. Gusto lang namin maghinga ng mga saloobin namin. Kailan mo ba huling sinubukang dumalaw o tumawag para mangamusta man lang? Alam mo ba kung ano ang hirap ng ginagawa namin dito? At kung gaano kadalas kaming umiiyak? Ako at ang mga mahal ko sa buhay ay napakalayo sa isa’t isa, at ang mga masasakit na salitang kanilang sinasabi sa akin ay napakasakit sa damdamin. Ang pag-aalaga nila sa amin ay masakit at ang kanilang pangungulila ay nakakasaid na rin. Ano ba ang aming punto dito? Ano nga ba ang maaaring makapagpasaya sa amin? Isang sulat na nagsasabing “Palagi kitang iniisip” o isang tawag sa telepono upang marinig man lang “Ano ang magagawa ko para sa iyo?” Pero mas masarap yung bibisitahin ka ng iyong kapamilya at kaibigan upang tumawa, mag-usap, at muling ngumiti. Kailangan namin maging totoo sa aming mga saloobin, patawad kung may mga naiinsulto sa aming mga hinaing. Subalit ang nais sana namin ay maunawaan niyo na kami ay hindi mga robot at mga makina.

sanaysay

rhea dioneda tiladan / Ang buhay bilang isang ofw sa taiwan… / Serve the People Association / dayuhang manggagawa Ang buhay bilang isang ofw sa taiwan… Isa ako sa milyong milyong ofw na nagtatrabaho sa bansang taiwan..ito ang buhay q bilang isang factory worker,dahil sa ninais makatulong sa pamilya minabuti kung umalis sa bansang akin pinagmulan..ngunit sa … Continue reading “sanaysay”

rhea dioneda tiladan / Ang buhay bilang isang ofw sa taiwan… / Serve the People Association / dayuhang manggagawa

Ang buhay bilang isang ofw sa taiwan…

Isa ako sa milyong milyong ofw na nagtatrabaho sa bansang taiwan..ito ang buhay q bilang isang factory worker,dahil sa ninais makatulong sa pamilya minabuti kung umalis sa bansang akin pinagmulan..ngunit sa aking pag lalakbay sa bansang napuntahan ndi ko alintana ang mga susunod n mangyayari sa aking buhay sa pagtungtong ko sa bansang taiwan…

mahigit 3 taon ang imamalagi at isasapalaran ko dito,sabi nga expect unexpected pero hindi maiwasan maramdaman ang lungkot at pangungulila sa pamilya, isa sa pinakamahirap na sitwasyon ang umabot sa sukdulan dahil dito nawalan aq ng trabaho walang nagnais na mangyari to sakin.

Sa makatwid masaya ang pakikisama ko sa kanila subalit may kga bagay bagay tayong hindi natin inaasahan na darating pero hindi magtatapos dito ang pagsubok na darating pa.Sa ngaun heto aq ngaun hinaharap ang bukas,hinaharap ang mga masasamang ngyari,dahil may awa dios Ako si Rhea Doneda Tiladan isang ofw na walang hinangad ang makatulong sa pamilya peo akoy inabuso sa kadahilanan ng illegal na trabaho pero isang may mabuting puso ang tumulong sa akin,maraming salamat po sainyong lahat sa mga taong tukulong sana po maging halimbawa at ehemplo kau ng mga kabataan naway pagpalain po kau ng may kapal..Ang buhay bilang isang ofw sa taiwan…

TULA

MALAYA / TULA / SPA / dayuhang manggagawa ANG BUHAY MIGRANTE Ang buhay ofw ay maihahantulad sa pelikula, Lungkot, iyak at tawa, sari-saring nadarama , Tiniis hirap, pagod at puyat para sa pamilya, Mapadama lamang tunay na pagpapahalaga. Bata pa lamang, nagmulat na sa bansa ko, Mababaw na pamumuhay kinagisnan ko, Gayunman pinalaki at inaruga ng inay ko, … Continue reading “TULA”

MALAYA / TULA / SPA / dayuhang manggagawa

ANG BUHAY MIGRANTE

Ang buhay ofw ay maihahantulad sa pelikula,
Lungkot, iyak at tawa, sari-saring nadarama ,
Tiniis hirap, pagod at puyat para sa pamilya,
Mapadama lamang tunay na pagpapahalaga.

Bata pa lamang, nagmulat na sa bansa ko,
Mababaw na pamumuhay kinagisnan ko,
Gayunman pinalaki at inaruga ng inay ko,
Minulat at pinadama kahalagahan ng bansa ko.

Tayo’y magkaiba man ang bawat pamaraan,
Pansamantala iiwan ang bansang kinagisnan,
Bilang isang kerteker dito sa ibang bayan,
Ako ngayo’y nandito sa bansang taiwan.

Maraming araw’t buwan na tila nasa selda,
Mga malilikot na isip tila nakakulong na,
Hindi mailabas ang tunay kong nadarama,
Nasa isip ko’y umuwi na sa aking pamilya.

Bagama’t hangad ko sa atin ang kasaganahan,
Kahit pa labis na kalungkutan ay nararanasan
Lahat lalabanan hirap, pagod lalampasan,
Sa inyo gagawin maipadama lang pagmamahal.

Dito sa ibang bansa kapit lang sa tyaga,
Malupit na amo man ay aking nasapit,
Nadanas hirap at pasakit na sobrang lupit,
Tiniis lamang para sa pangarap na gusto makamit.

Wala na ibang magawa kundi ang magtiis,
Tatlong taon akong maghintay at maghinagpis,
Sobrang lungkot sa pamilya aking sinapit,
Na isip lamang ako nga ba’y dapat magtiis.

Ngunit ako’y napaisip at biglang natahimik,
Sa isang tabi, tila nakaramdam nang pait,
Naisip ko ang buhay OFW kailangan kumapit,
Mayroo pala akong utang sa bansang naiwan.

Subalit lahat ng hirap ay may katapusan,
Pasakit at kalungkutan sa akin ay nalagpasan,
Migranteng pinoy SPA, binigyan hangganan,
Ibibigay sa akin ang bagong kinabukasan.

Mahal ko ang bayan kong PILIPINAS,
Hintayin mo ang aking pagbalik bayan,
Mabuti at may pesbuk na inaabangan,
Mensahe sa pamilya sa bansang iniwan.

Mabasa lamang mensahe “anak mahal kita”,
Andito lamang kami para sa iyo mag ingat ka,
Puso ko’y lumulukso sa labis na sayo ina,
Kuya, Ate, at Inay ako po ngayon ay masaya.

Salamat sa walang humpay na pagmamahal,
DIYOS kayo ang nagbigay sa amin ng kalakasan,
Lahat nang nadamang sakit at nalampasan,
Huwag po kayong magsawa na ako’y gabayan.
TULANG AKDA NI: TERESITA S. HALLERA

Tula

Dyen Guilalas / Tula / Served the People Association / dayuhang manggagawa Buhay OFW By:Dyen Guilalas ANG BUHAY NAMIN,GAYA NANG SA TELANG TABING SA KABILA NG LUNGKOT,HIRAP NAKANGITI PA RIN PAGKA’T AMING NAIS PAMILYA NAMIN AY ‘WAG MANGAMBA SASITWASYON NAMIN LUHANG PUMAPATAK AT PAWIS MAN DIN PINAPAHID,TINATAGO,AMING MGA DAING SA HAPAG NG PAGKAIN NA AMING HAIN KAYONG PAMILYA … Continue reading “Tula”

Dyen Guilalas / Tula / Served the People Association / dayuhang manggagawa

Buhay OFW
By:Dyen Guilalas

ANG BUHAY NAMIN,GAYA NANG SA TELANG TABING
SA KABILA NG LUNGKOT,HIRAP NAKANGITI PA RIN
PAGKA’T AMING NAIS PAMILYA NAMIN
AY ‘WAG MANGAMBA SASITWASYON NAMIN

LUHANG PUMAPATAK AT PAWIS MAN DIN
PINAPAHID,TINATAGO,AMING MGA DAING
SA HAPAG NG PAGKAIN NA AMING HAIN
KAYONG PAMILYA ANG NASA ISIP KAPILING

SA BAWAT ORAS,NA BALOT NG LUNGKOT
NATUTUWA PAG AMO AY SWELDO’Y INAABOT
PAGKA’T MAIBIBILI NA RIN
BAWAT INYONG NAIS AT HILING

SARILING HILIG NANG KATAWAN NAMIN
ISASANTABI AT KAYO ANG LAGING UUNAHIN
AMING TANGING PANGARAP AT HILING
BUHAY NATIN KAPWA GUMINHAWA
NANG SA AMING PAGBALIK MULI NA KAYONG KAPILING.

Caretaker

Annie / Caretaker / Wala / dayuhang manggagawa Ikalawang taon ng pakikipagsapalaran at ikalawang taon ng pagsasalaysay ng aking karanasan bilang dayuhang manggagawa ng Taiwan. Ang dami ng bagong pangyayare,nanalo n c Tsai Ying-wen bilang unang babaeng pangulo ng Taiwan at nanalo na din c Duterte bilang may kamay na bakal na pangulo ng Pilipinas. Hindi ito ngaun … Continue reading “Caretaker”

Annie / Caretaker / Wala / dayuhang manggagawa

Ikalawang taon ng pakikipagsapalaran at ikalawang taon ng pagsasalaysay ng aking karanasan bilang dayuhang manggagawa ng Taiwan. Ang dami ng bagong pangyayare,nanalo n c Tsai Ying-wen bilang unang babaeng pangulo ng Taiwan at nanalo na din c Duterte bilang may kamay na bakal na pangulo ng Pilipinas. Hindi ito ngaun tungkol ngayon sa alaga ko o sa amo ko. Ibabagi ko naman ngayon ang kwento ng buhay ko sa labas ng trabaho. Linggo May 2,2016 isang malungkot na panahon na tila ba nagdadamot na sumilay ang haring araw. Dalawang buwan ang hinihintay ko upang makapag day off,tama po 2 buwan. Swerte na ako kasi yong iba wala day off sa gaya kong caretaker. Espesyal na araw dahil makakasama ko na muli ang aking asawa sa pamamasyal,sa pagkain at 8 oras na kwentuhan. Isang nkakapagod na buong araw. Oras na ng pamamaalam sa isat isa. Napawi na naman ang tamis na ngiti sa aking labi. Nag aabang na ako ng tren pauwi sa Taoyuan. Rush hour kya madami pasahero. Swerte ko nmn kasi nakaupo pa ako. Pagtingin ko sa bandang pinto may lolo na nkatayo. Tinawag ko sya at ibinigay ang nireserba kong upuan. Turo kasi plagi sa subject na GMRC (Good Moral and Right Conduct) simula primary hanggang secondary na bigyan priority ang matatanda bata at buntis. Nagulat si lolo,walang pagsidlan kaligayahan nya sa mukha. Tinanong nya agad ako bakit ko binigay upuan ko. Bakit hindi diba? Nagkakwentuhan kami,sa edad nyang 89 humanga ako sa lakas ng tuhod nya,pandinig at pinaka importante, fluent si lolo sa English. Mr. Lee Liu (yan yong unawa ko sa name nya) salamat sa masarap na kwentuhan. Di ko po makontak binigay nyo saken na cp no. Gusto ko po matuloy invitation nyo n dinner sa bahay nyo na sabi nyo po bilang pasasalamat sa munti kong ngawa. Pero paano? Sana po magka himala na magkita uli tau. Kahit ako na ang magluto pra sa inyo. Ingat po palagi lolo.

poem

candice lauren manatad / poem / spa/migrante / dayuhang manggagawa Salamat Taiwan Aking buhay sa taiwan ay walang kasiguruduhan Lahat ng pgsubok at sakit ay aking naranasan. Araw at gabi dasal ko sa maykapal<br> Na sana balang araw mga pgsubok ay lilipas lamang. Salamat sa spa at mga kaibigan na laging sumusuporta, Kung hindi dahil sa inyo buhay … Continue reading “poem”

candice lauren manatad / poem / spa/migrante / dayuhang manggagawa

Salamat Taiwan

Aking buhay sa taiwan ay walang kasiguruduhan
Lahat ng pgsubok at sakit ay aking naranasan.
Araw at gabi dasal ko sa maykapal<br>
Na sana balang araw mga pgsubok ay lilipas lamang.

Salamat sa spa at mga kaibigan na laging sumusuporta,
Kung hindi dahil sa inyo buhay ko sa taiwan ay walang kwenta.
Takot at kirot sa puso ko unti unting nawawala,
Dahil sa nyong pgmamahal na pinapakita na walang ka duda-duda!

Oh! Taiwan huwag mo namang ipagkait sa akin
Ang tamang landas na dapat aking tatahakin!
Upang maabot ko mga pangarap sa buhay,
Na kaytagal na inasam-asam para sa mga mahal sa buhay!

Oh! Taiwan ang bansa kung pinagtratrabahoan,
Hinding-hindi kita makakalimutan.
Sapagkat dito ako natutung maging matapang at lumalaban.
Salamat salamat taiwan!

IKAW AT AKO SA MAGKABILANG MUNDO

MYLA FARILLON GAHUM / IKAW AT AKO SA MAGKABILANG MUNDO / Wala / dayuhang manggagawa IKAW AT AKO SA MAGKABILANG MUNDO Nandiyan ka mahal,nandito naman ako. Kapwa pinaglayo ng tadhana at trabaho. Ayaw mo sana,lalo na ako. Nag usap,kapwa nagmuni-muni at plano’y nabuo. Mahal ko kahit tayo’y magkalayo. Magkabilang mundo man ang ating tungo. Tandaan lang na walang … Continue reading “IKAW AT AKO SA MAGKABILANG MUNDO”

MYLA FARILLON GAHUM / IKAW AT AKO SA MAGKABILANG MUNDO / Wala / dayuhang manggagawa

IKAW AT AKO SA MAGKABILANG MUNDO

Nandiyan ka mahal,nandito naman ako.
Kapwa pinaglayo ng tadhana at trabaho.
Ayaw mo sana,lalo na ako.
Nag usap,kapwa nagmuni-muni at plano’y nabuo.

Mahal ko kahit tayo’y magkalayo.
Magkabilang mundo man ang ating tungo.
Tandaan lang na walang magbabago.
Isiping nasa iisang langit pa rin tayo.

Tungo mo ay iba,Taiwan naman ako.
Binabalandra ko ang lugar ko sa Iyo.
Nakikinig ka,nakikitawa,nakikiisa.
Nagpapasalamat at dito ako napunta.

Pamumukadkad at ganda ng Taiwan.
Sa tuwina’y aking pinangangalandakan
Sa tuwing tayo’y magkaharap sa Line.
Sukli mo’y sa susunod tungo mo’y dito naman.

Pahinga ka na mahal,oras mo ay iba.
Sa pagtulog sana iyong isama.
Ang isipin lang ay ang masasaya.
Bukas,makalawa tayo dito ay magkasama.
Salamat sayo Taiwan.Salamat,Salamat.
Sa mga oportunidad at sa aki’y pagtanggap.
Asahang respeto ko ay laging tataas.
Ibabalik sayo ang dapat at sapat.