pusong sawi / NGITI / wala / caretaker
NGITI
Buwan ng Setyembre ngiti mo ay una kong nasilayan
Mga ngiti mo na sa akin ay nagpakaba at nagpabilis ng tibok ng aking puso
Sa oras na yaon damdamin ay nag iba
Hinawakan mo ang aking mga kamay
Na noon ay nanginginig na
Tanong mo sa akin bakit ika’y nanginginig?
Nahihiya ka ba?Sabay ang pagsilay ng napakatamis mong ngiti
Halos matunaw ako habang sayo ay nakatitig.
Mga ngiti mo na sadyang kay tamis
Ako yata sayo ngayun ay umiibig na
Halos hindi ko namalayan ang mga oras ay lumipas na pala
At kailangan ko na sayo ay magpaalam na
Tanong mo sa akin tayo ba ay magkikita pa
Sumilay ang ngiti sa aking mga labi
Sabay sambit ng oo tayo ay magkikita muli
Lumipas ang mga araw at buwan
Tayo nga ay nagkitang muli
Bawat sandali ay sadyang kay tamis
Pag ibig mo nga sa akin ay iyong sinambit
Puso ko ay nagdiwang sa sobrang tuwa at kilig
Dahil naman noon pa man ikaw ay iniibig
Mga sandali na kapiling ka ay sadyang kay tamis
Tinig mo ang laging nais ko ay marinig
Mga ngiti mo ay siyang nais na laging masilayan
Pangalan mo ay sa tuwina ay bukambibig
Anupat umikot sa iyo ang aking daigdig
Ngunit ang saya at tamis ng ating pang ibig
Ay biglang napalitan ng hikbi at pait
Mundo ko ay nayanig
Sa balitang aking narinig
Ikaw raw ay may ibang iniibig
Anupat mga luha sa aking mga mata ay biglang umagos ng walang humpay
Tunay na kay sakit na marinig
Na ang aking mahal ay may ibang iniibig
Halos hindi ako makahinga at diddib ko ay nanikip
Halos panawan ako ng ulirat
At hindi makakain
Walang araw na hindi kita inisip
At itinatanong ko sa aking isip
Bakit sa akin ikaw ay nagtaksil?
Pag ibig ko ba ay hindi naging sapat
Para sa iba ikaw ay umibig?
Ako ba ay nagkulang sa iyo?
Kaya ikaw ay humanap ng iba?
Init ba ng aking yakap at halik ay hindi sapat?
Upang ako ay iyong ipagpalit?
Oh kay sakit ng sinapit nitong aking Pag ibig
Sa isang iglap nagbago ang lahat
Ang saya ay napalitan ng lungkot
Ang pagsinta na dati ay kay tamis ngayon ay naging mapait
Ang mga ngiti sa aking labi ngayon ay paghihinagpis
Sa langit ako ay napatingin
At akin na lamang nasambit
Ang ngiti mo na sa akin ay nagpa ibig
Ay siya rin pala na sa akin ay mananakit